Thursday, July 31, 2008

pag dinalaw ka nga naman ng swerte..haaaysss

Eto ay may makuwento lang dito sa karanasan ko ng minsang umakyat ako ng baguio last tuesday..na di ko alam at inabot ako ng pagkadame dameng swerte maghapon.gusto mo malaman?baket gusto mo malaman?wahahahaah..o sya basa naaaaaaaaa!

9:30 am umakyat baguio.dala ko mga gamit ko to meet some friends there at ala ako balak umuwe dahil reunion nato kako sa isip ko.so dinala ko buong aparador ko. so andun nako sa bus terminal..hihintay ng bus ng dumating ang pinakaunang swerte for the day..naiwan ko pala wallet ko sa bahay so kailangan ko ulit balikan kundi mamumulubi ako sa baguio.so nabalikan ko na ang wallet ko andun nako ulit sa bus terminal kaso sabi nung dispatcher dun umalis na daw ung bus..so i was left no choice para magmini-bus..kundi aabutin nako ng tv patrol eh di pako nakarating sa baguio.hayun nakasakay nako..hintay pa konte at pinupuno ang bus bago umalis..may tumabi saken na babae..naks..kala ko totoong swerte na dumating..wala pa din..dahil paglingon ko sa katabi ko..isang napakalaking BUNGAL at tumambad sa paningin ko..waaaa...gusto ko na mag-take ng sleeping pills para makatulog na nga lang ako..hahaahaha.

hayun umalis na nga ang pressure cooker bus dahil sa pagkainit-init at siksikang biyahe.da diname dame namang magtitinda sa loob ng bus e natiyempo pang ang gustong gusto kong amuyin ang nagtitinda sa loob at isa lang ang wish ko sa araw na un..ang wag bumili ang katabi ko nga CHICHARON..parang awaaaaaaa mo naaaaaa..waaaag ka kakain kundi sasaksakin kita ng cotton buds na dala ko! ampooootzz...bumili nga sya!ang init-init na nga ng panahon..mas pinainit pa ang ulo ko dahil sa amoy ng suka!sarap na sarap sa kain ang katabi ko at ako naman ay kanina pang sarap na sarap na kitilin nalang ang buhay nia at ihulog na sa may bintana para matapos na ang kalbaryo ng buhay ko..e di puro takip ako ng ilong para ipahalata kay bakekang na sobrang iritado nako sa kanya.hayun at natapos din pagkain nia ng chicharong may suka.

medyo nakahinga konte dahil its finally over haaaaays..makakatulog nako kako..sa wakas.....so naiidlip nako talga..isinandal ko ang braso ko sa may bintana habang umiidlip nang ka-booom...bumagsak ang bintana sa aking braso so hayun naipit ng tadong bintana..e sa sira sira naman pala ang bus na un..napa--wadapaaaaak nanaman ako..haaays..hayan dumarami na ang swerte sa araw ko.so medyo napapalapit na kame ng baguio nang may maamoy ako ulit na kakaiba eh..alam na alam ko ang amoy na un eh..ndi suka...pero may batang nagSUSUKA dahil sa pagkahiloooo...waaaaaaaaaa sa katapat ng upuan ko..langyang buhay to..sana kung pwede lang magkalesa paakyat ng baguio ginawa ko na kahit abutin pako ng dalawang taon na biyaheeeee..hayun hirap ang bata na tigilan ang pagsusuka..na halos ilabas na din nia ang bituka nia sa pagsusuka..medyo napapansin ko madame na din naiirita dahil sa kadirihang un naman..hayun di rin ako ulit nakatulog dahil sa kasusuka ng bata.sa wakas sablan na...30 or so minutes nalang at matapos na ang di kanais nais na ekspiryens ko sa byahe..nang biglang..ka-boooom ulit..waaaaaaaaaaaaa nasiraan kame..sus naman..pinag iinit talaga ako ng tadhana ah..hayun naguumusok na ang bus na sinakyan namen kaya kailangan nameng bumaba at mag abang sa daan ng ibang bus paakyat ng baguio..naman..naman..namaaaaaan..so hintay hintay muna until finally may dumating na isa..so sakay na kame sympre at sakto namang konte lang sakay kaya nakasakay naman kame ng mabute lahat..so hayan na nakaalis na ulit kame..dumating na kame nagoya ng biglang dumalaw nanaman si pareng kamalasan...flat tires naman ngayon..gustong gusto ko na maasar pero natatawa pa din ako dahil sa inabot ko..di ako makapaniwala na nangyayari to na akala mo ay mapagbiro ang tadhana..oo bumibiro nga ang tadhana..hahaha..baba ulit kame..pero this time jeep nako sumakay since lapit na sa town un..mga 15mins nalang..atlast narating ko din ang baguioooo..wooohoo..pero kala ko masaya nako dahil tapos na...nang naglalakad nako papunta sa coffeeshop na meeting place namen ng mga tropa namen..narealize ko na diko pala nakuha sukli ko sa jip..waaaaaaa 40pesos din un paksyet..wowoweeeee!!o sya hayaan mo na...limos nalang nung driver at di nia sinoli sukli ko..manong kung nasan ka man ngayon sana nga nakatulong sa pamilya mo ang sukli ko..hahahahaha

haaaays one fine day!


No comments: